Pinaiimbestiganan na sa Senado ang nangyayaring sunod sunod na cyber attack sa mga ahensya ng pamahalaan
Kabilang na rito ang Philippine Health Insurance Corporation, Philippine Statistic Authority, Department of Science and Technology at ang pinakahuli ay ang website ng Kamara
Sa resolusyon na inihain sa senado, iginiit ng mga Senador na obligasyon ng may obligasyon ang estado na tiyakin na protektado ang mga personal information at data system ng gobyerno at mga pribadong indibidwal batay sa itinatakda ng data privacy law.
Nakasaad rin sa cybercrime prevention law na dapat napo-protektahan ang seguridad at integridad ng mga computer, communication system at data system ng gobyerno
Dismayado naman si Senador Grace Poe sa mabagal na aksyon ng Department of Information and Communications Technology sa tinawang niyang hacking spree sa website ng mga ahensya ng gobyerno
Ayon kay Poe, hindi pwedeng business as usual ang DICT at maghintay ng susunod na biktima.
Dapat aniyang matigil na ang nagyayaring data breach at mapapanagot ang mga salarin
“Hindi puwedeng business as usual at maghintay na lang sa susunod na biktima ng data breach. kailangan matigil ang hacking at mapanagot ang mga salarin.” pahayag ni Senador Grace Poe.
Nababahala si Poe dahil hindi lang aniya mga importanteng government records at sensitibong data ang maaaring makompromiso kundi ang seguridad ng bansa.
Hinimok ng Senador ang DICT na mag invest ng mas malakas na Cyber Security Infrasctructure.
“At stake are not only important government records, but sensitive data that could compromise the country’s security. Data breaches also jeopardize personal information of the people, whose own accounts may be subjected to hacking or unwanted exposures.” dagdag pa ng mambabatas.
Ayon kay Senador Ronad “Bato” dela Rosa, kailangan talagang buhusan ng pondo ang DICT para tugunan ang lahat ng banta ng cyber attack
Ang ahensyang ito aniya ang dapat na priority ngayon ng gobyerno dahil araw-araw marami ang nabibiktima ng data breach
“It requires d funding talaga nagsipagbawasan pondo tignan priority ng gobyerno less priority cyber hacking hindi mapaglaanan it’s a matter of priority are on its government spending kahit na walang pondo.” dagdag pa ng Senador
Hindi naman kumbinsido ang Senador sa mga pinalulutang na posibleng kagagawan rin ito ng DICT para may basehan umano ang kongreso na ibigay ang kanilang hinihinging intelligence at confidential funds
“We can’t impute that allegations without evidence. presumption of regularity. Huwag mag-isip masama sa kanila. saad pa ng mambabatas.
Meanne Corvera