Pinakamainam na regalo sa birthday mo!
Hello, kumusta na amga kapitbahay! Na-miss ko po kayo, sobra! Sana naman ganun din kayo?
May nakausap akong kapitbahay natin at ang sabi niya sa akin ay magbi-birthday na naman siya, and this will be the second year na hindi niya makakasama ang mga apo niya.
Ang sabi ko naman sa kaniya, ang mahalaga ay walang mga sakit, maayos ang kalagayan.
At dahil nabanggit na rin lang ang birthday, matanong ko nga kayo mga kapitbahay , kayo ba ‘yung tipo nanagreregalo sa sarili kapag birthday ninyo?
Pero, teka muna, nagbibigay tayo ng regalo kapag birthday, anniversary, kapag may na-promote, graduation, kapag may gumawa ng sa palagay mo ay kasiya-siya sa’yo. Maaari ding nagbibigay ka ng gift dahil gusto mo lang. Sana all!
Balikan ko lang ang tanong ko kanina, nagbibigay ka rin ba ng gift sa sarili mo kapag birthday mo? Oo at hindi lang naman ang sagot dito .
Sa programa nating Kapitbahay tuwing Sabado ng alas sais ng umaga, isa sa binigyang-diin ni Dr. Rylan Flores, isang Orthopedic Surgeon, kung ano ang best gift na puwede mong ibigay sa sarili at ito ay ang annual physical check-up kapag birthday .
Check-up sa dugo, ECG, chest x-ray na siyang pinaka basic. Malalaman din kung may problema sa sugar, bato at atay. Mahalagang naaagapan bago makitang malala na pala. Mali aniya ang karaniwang sinasabi ng iba na kaya ayaw magpa check-up dahil ayaw malaman ang sakit .
Mga kapitbahay, alam n’yo hindi na natin puwedeng sabihin o idahilan na hindi tayo nagpapatingin sa doktor o nagpapa-check-up kasi takot tayo sa virus na baka tayo mahawahan.
Maaari naman ang teleconsult na ginagawa ng marami.
Meron nga kung magpapa-laboratory ka, halimbawa, need na kuhanan ng dugo merong pupunta sa iyo na nakasuot pa ng PPE at ang result ay ipadadaan through apps na lang, kaya puwede kahit hindi lumabas ng house.
Kaya hindi mo puwedeng sabihin na wala kasi akong sasakyan o masakyan o wala akong makasama kaya hindi ako makapagpa check-up. Yun nga lang kapag walang pera na pambayad !
Mga abay, huwag na po nating hintayin na kung kelan may sumasakit na sa katawan natin o may iniinda na tayo ay saka tayo magpapacheck-up sa doktor.
Pag-ipunan kung kinakailangan, gawin na nating annually, sa tuwing birthday mo, isa sa best gifts mo sa sarili.
Until next time , ito si Julie Fernando , ang inyong Kapitbahay!