Pinakamalaking amusement park sa Sweden nasunog
Nilamon ng apoy ang bagong gawang water park na hindi pa binubuksan, makaraang sumiklab ang sunog sa pinakamalaking amusement park sa Sweden na nasa Gothenburg.
Inilikas ng mga pulis ang mga nasa hotel at mga tanggapan na naka-konekta sa Liseberg Amusement Park, at pinayuhan ang mga residente na manatili sa loob ng kanilang bahay dahil sa usok.
Makikita sa images mula sa pinangyarihan ng sunog, ang naglalagablab na apoy habang nilalamon ang isang water-slide at ang makapal na itim na usok na pumapailanlang sa kalangitan sa siyudad.
Ayon sa pahayag ng Liseberg, “The fire originated at one of the water attractions” located outside the main building housing the attractions “and then spread throughout the building.”
Sinabi ng mga awtoridad na hindi pa batid ang sanhi ng sunog.
Ang water park ay bahagi ng isang expansion project para sa nabanggit na amusement park, at nakatakda sanang buksan sa mga huling bahagi ng 2024.