Pinakamalaking film festival sa Asya, magbubukas sa pamamagitan ng isang pelikulang tungkol sa kuwento ng isang South Korean migrant
Isang South Korean film tungkol sa isang dismayadong kabataang babae na lumipat sa New Zealand , ang magbubukas sa pinakamalaking film festival sa Asya ngayong Miyerkules.
Ang Busan International Film Festival (BIFF) ay tatakbo hanggang sa Oktubre 13 at katatampukan ng 209 na official entries mula sa 69 na mga bansa. Walo ang magkakaroon ng premiere sa southern port city.
Ang edisyon ngayong taon ay humarap sa maraming pagsubok at isa na rito ang pagbibitiw noong Mayo ng dating festival director na si Huh Moon yung dahil sa mga akusasyon ng sexual misconduct.
Ayon sa organisers, binawasan din ng BIFF ng 10 porsiyento ang kanilang 2023 budget matapos umatras ang mga sponsor kaugnay ng mga alegasyon.
Sinabi ni Kang Seung-ah, acting managing director, ”I acknowledged that we had endured a ‘difficult phase.’ But leveraging the strength of our members, we have prepared a festival that is more substantial than ever before.”
Tampok sa opening night ang world premiere ng “Because I Hate Korea” ng South Korean director na si Jang Kun-jae.
Ang pelikula, na umiikot sa desisyon ng isang batang babae na iwan ang nakababagot niyang buhay sa South Korea at mag-isang mangibang bayan, ay halaw sa best-selling 2015 novel na may kaparehong titulo ni Chang Kang-myoung.
Inilarawan bilang isang “marubdob na paghahanap ng kaligayahan,” tumutukoy ito sa mga hamon na kinakaharap ng mas batang henerasyon ng Korea, kabilang na ang matinding kumpetisyon at lumalawak na “class disparity.”
Ang “The Movie Emperor,” naman na isang satirical film tungkol sa Chinese film industry sa ilalim ng direksiyon ni Ning Hao at pinagbibidahan ni Andy Lau, ang magsasara sa festival.
Nakasaad sa programme notes, “Ning’s comedy ‘deftly captures the fine line’ between the film industries in Hong Kong and mainland China, as well as the ‘delicate relationship’ between Western film festivals and Asian filmmakers.”
Itatampok din sa festival ang serious star power, kasama ang kinikilalang Hong Kong actor na si Chow Yun Fat na pagkakalooban ng Asian Filmmaker of the Year award.
Tatlo sa mga pelikula ni Chow na kinabibilangan ng “A Better Tomorrow” (1986), “Crouching Tiger, Hidden Dragon” (2000) at ang “One More Chance” (2023) ay ipalalabas din bilang parangal sa kaniya.
Kasama rin sa iba pang pinakaaabangang pelikula ay ang “Dear Jinri,” isang documentary na nagtatampok sa huli at hindi na nakumpletong proyekto ng pumanaw nang K-pop star na si Sulli. Mapapanood dito ang huli niyang media interview.
Magkakaroon pa ng isang special series of screenings na kabibilangan ng “Searching” (2018), na pinagbibidahan ni John Cho, at ang Sundance favourite ng direktor na si Celine Song na “Past Lives.”
May sarili ring world premiere sa BFF, ang lubhang inaabangang “Yellow Door: 90s Lo-fi Film Club” ng Netflix.
Ang documentary film ay tungkol sa henerasyon ng South Korean filmmakers na lumitaw noong 1990s, gaya ng Oscar-winning “Parasite” director na si Bong Joon-ho.