Pinakamalaking solar project sa mundo, itatayo sa Pilipinas
Sinisimulan na ang konstruksiyon ng pinakamalaking solar project sa mundo, na itatayo sa Pilipinas.
Ito ay pagmamay-ari ng Terra Solar Philippines, Inc., na isang subsidiary ng SPNEC (Solar Philippines New Energy Corporation).
Ang nasabing proyekto ay sinisimulan nang itayo sa 3,500 ektarya ng lupa sa Nueva Ecija at Bulacan.
Courtesy: SPNEC
Ayon sa kompanya, sa sandaling matapos ay lilikha ito ng humigit-kumulang 5 bilyong kilowatt-hour (kWh) taun-taon o tinatayang 5% ng kabuuang volume ng Philippine grid at 12 porsiyento ng kabuuang demand nito.
Ang proyekto ay magiging mas malaki kaysa sa Bhadla Solar Park ng India at Golmud Solar Park ng China, na kasalukuyang pinakamalaking solar farm sa mundo.
Aldrin Puno