Pinakamalalang kondisyon sa Canada wildfires, hindi pa nangyayari: Alberta official
Burned land in Shining Bank, Alberta, Canada, on May 11, 2023. (Photo by Anne-Sophie THILL / AFP)
Sa tumataas na temperatura at maliit na tyansa na uulan, pinaghahandaan na ng Alberta province ng Canada ang paglala ng higit isang linggo nang wildfires na nagtulak na sa libu-libo upang lumikas.
Sinabi ni Josee St-Onge ng wildfire agency sa western province, “We are continuing to see hot and dry conditions today with a low chance of rain throughout most of Alberta, In the north, the ‘fire danger is extreme with gusty winds and temperatures soaring to the high 20s in degrees Celsius (80s in degrees Fahrenheit).”
Aniya, “Over half a million hectares (1.2 million acres) have already burned in Alberta, where there are still 87 active fires, of which 24 are still considered uncontrolled. Our peak burning period, which is when the temperatures are at their highest and the fuels are at their driest, is still in front of us.”
Bukod sa daan-daang reinforcements na dumating mula sa magkabilang panig ng Canada upang tumulong sa pag-apula sa mga sunog, kabilang ang galing sa army, 200 katao pa mula sa kalapit na estado ng US ang tumulong na rin.
Ayon naman kay Alberta Emergency Management chief Colin Blair, “New evacuation orders have been issued over the weekend, bringing the total number of evacuees to over 19,000. The wildfire situation is extremely volatile. For those who are in a community that’s on an evacuation alert, I cannot stress strongly enough the need for residents to be prepared in case there is an urgent need to evacuate.”
Nitong nagdaang mga taon, ang Canada ay paulit-ulit na tinamaan ng “extreme weather,” na ang tindi at dalas ay naragdagan dahil sa global warming.
Ang nangyaring forest fires sa oil sand region ng Canada noong 2016 ay nagpatigil sa produksiyon at puwersahang itinaboy ang 100,000 mga residente mula sa Fort McMurray, na nagpahina sa ekonomiya ng bansa.
Noong 2021, ang British Columbia ay dumanas ng “record-high temperatures” sa panahon ng summer na ikinamatay ng higit sa 500 katao, maging ng mga wildfire na puminsala sa buong bayan.
Sinundan ito ng mapaminsala ring mga pagbaha at mudslides.