Pinakamataas na presyo ng mga gulay, naitala ngayong Agosto
Naitala ang Agosoto na may pinakamataas na presyo ng mga gulay.
Batay sa Philippine Statistics Authority o PSA, tumaas ng 19.2 percent ang presyo ng mga gulay sa merkado kumpara sa ibang mga pagkain at non-alcoholic drinks sa mga nakalipas na buwan.
Sa data ng PSA, bukod sa mga gulay, nakapagtala rin ng double-digit price increase noong Agosto ang presyo ng mais na nasa 12.6 percent; isda- 12.4 percent at non-alcoholic drinks na 11.5 percent.
Ito ay sa kasagsagan ng pananalasa ng habagat sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Tumaas naman ng 9.1 percent ang presyo ng asukal; karne-7.6 percent; tinapay at cereals-6.3 percent; prutas-6.2 percent; mantika-3.8 percent, other bakery products-3.2 percent; itlog-2.7 percent at iba pang unclassified food products- 4.1 percent.
============