Pinakamatandang aso sa buong mundo na si Bobi, pumanaw na sa edad na 31
Pumanaw na sa edad na 31, ang Guinness World Records’ oldest dog in the world na si Bobi.
Sinabi ng may-ari kay Bobi na si Leonel Costa na nakatira sa isang maliit na village sa central Portugal, “We have better memories of a long life where he was happy and, above all, where he made a lot of people happy, especially his family.”
Isang purebreed Rafeiro, isang Portuguese livestock guard dog na ang normal na haba ng buhay ay sa pagitan ng 12 at 14, si Bobi ay hindi inaasahang mabubuhay ng ganoon katagal.
Ipinanganak siya noong May 11, 1992, kasama ng tatlong iba pang tuta sa isang wood storage shed na pag-aari ng Costa family sa village ng Conqueiros.
Dahil ang pamilya ay napakarami nang alagang hayop, kaya nagpasya sila na hindi na nila maaari pang alagaan ang mga bagong panganak na tuta, kaya kinuha ito ng mga nakatatanda habang wala ang inahing aso na si Gira, na noon ay walong taon na.
Subali’t hindi nila napansin na may naiwang isang tuta, at iyon ang naging si Bobi.
Ayon sa Guinness World Records, “He died at the age of 31 years and 165 days.”
Matapos siyang maideklara bilang pinakamatandang aso sa buong mundo noong Pebrero, si Bobi ay binisita na ng media at mga tao galing sa iba’t ibang panig ng mundo upang makita ng personal.