Pinalayang tripulanteng Pinoy ng MSC Aries nakauwi na sa bansa
Nakauwi na sa Pilipinas nitong Biyernes ng hapon ang pinalayang tripulanteng Pinoy ng cargo ship na MSC Aries, na kinubkob ng Iran noong Abril.
Sinalubong ang Pinoy seafarer ng mga opisyal mula sa Department of Migrant Workers, Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration.
Una nang inanunsiyo ng DMW at DFA ang pagpapalaya sa Pinoy makaraan ang isang buwan nang isailalim ng Iranian navy sa kustodiya nila ang Portugese- flagged ship.
Umaasa ang gobyerno na palalayain din ng Iran sa lalong madaling panahon ang tatlo pang Pinoy crew ng MSC Aries.
Moira Encina
Please follow and like us: