Pinalulutang na no elections scenario, target lang palawigin ang termino ng mga nakaupo sa gobyerno – Senador Drilon
Naniniwala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na pagpapalawig lang sa termino ng mga Government official ang tunay na pakay ng pinalulutang na no election scenario.
Pero babala ni drilon, labag ito sa batas dahil hindi maaring ipagpaliban ang national elections dahil lamang sa pandemya.
Maaari lang aniyang gawin ang no election sa political subdivision o mga probinsyang may malalang banta sa seguridad o terorismo.
Magagawa lang aniya ang pagpapaliban sa halalan kung aamyendahan ang 1987 constitution na malabong mangyari dahil wala pang nakahaing panukala hinggil dito.
Statement Senate Minority Leader Franklin Drilon
” That is what the election code provides. You cannot postpone a nationwide election without the law being amended. I repeat, presently, the Comelec can only postpone an election in a political subdivision, meaning the provinces, cities or municipalities, and there must be a showing that there is a serious cause of postponing the election .”
Meanne Corvera