Pinay boxer Nesthy Petecio, isang panalo pa, Olympic Gold na!
Isa na namang Gold Medal sa Tokyo Olympics ang ang posibleng masungkit ng Pilipinas matapos umabante ni Nesthy Petecio sa finals ng Olympic Boxing Women’s Featherweight Division.
Tinalo ni Petecio ang matangkad na pambato ng Italy na si Irma Testa sa isang makapigil-hiningang laban na nauwi sa split decision pabor sa Pinay boxer.
Hindi naging madali ang laban dahil sa advantage sa laki at taas ng kalaban subalit naging agresibo si Petecio sa simula hanggang sa matapos ang laban upang masiguro ang panalo.
Dahil sa pagkapanalong ito ni Petecio, sigurado na siyang makapag-uuwi ng silver medal, at may pagkakataon pang maging ikalawang Olympic Gold ng Pilipinas kung magwawagi sa Finals.
Makakatunggali ni Petecio sa Olympic gold kung sino man ang magwawagi sa laban nina Karriss Artingstall ng Great Britain at Sena Irie ng Japan.
Samantala, nagwagi rin si Carlo Paalam sa pamamagitan ng unanimous decision laban kay Mohamed Flissi ng Algeria sa preliminary round ng Men’s Fylweight division upang makapasok sa Quarterfinals.
Pasok na rin sa Finals ng Men’s Pole Vault ang pambato ng Pilipinas na si EJ Obiena. Ang Finals ay isasagawa sa August 3.