Pinoy complainants sa sinasabing recruitment scam sa Italy, umabot na sa 60

Kabuuang 60 complainants sa sinasabing recruitment scam sa Italy ang humingi ng saklolo sa Konsulado ng Pilpinas sa Milan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, patuloy ang pagtulong ng konsulado sa mga Pinoy na naghain ng reklamo laban sa Alpha Assistenza.

Sinabi ng DFA na sa umaabot na sa kabuuang 221 ang bilang ng mga indibiduwal na nagbayad ng €3,000 para sa trabaho sa Italya.

Nabatid ng mga biktima na peke ang ibinigay sa kanila na “nulla osta” o work permit ng Alpha Assistenza matapos na i-reject ito ng Italian embassy.

Isang key witness ang nakapanayam na ng Philippine consulate.

Ang pangalan ng nasabing testigo ang sinasabing ginamit sa paghahain ng aplikasyon sa work permits ng mga biktima.

Ayon sa kagawaran, inaalam na rin ng konsulado ang iba pang kaso ng fraud o panloloko ng mga Pilipino sa mga kapwa Pilipino sa Italy gaya ng airline tickets, work permit conversions, at citizenship applications.

Ang mga nasabing complainant na dumulog sa consulate general ay hiwalay pa sa mga Pinoy na nagpasaklolo sa DOJ noong nakaraang linggo.

Una na ring nakipag-pulong si Consulate General Elmer Cato sa Italian authorities para hingin ang tulong ng mga ito sa imbestigasyon laban sa tatlong indibiduwal at dalawang ahensya na isinasangkot sa illegal recruitment scam.

“The Consulate continues to assist Filipinos who have filed complaints against Alpha Assistenzia. As of 03 October there are 60 complainants who have requested the Consulate’s assistance. This brings to 221 the number of individuals who paid as much as €3,000.00 for jobs in Italy. The Consulate also interviewed a key witness yesterday whose name was among those used in filing work permit applications. The Consulate is also looking into other cases of fraud being committed by Filipinos against fellow Filipinos such as those involving airline tickets, work permit conversions, and citizenship applications.” pahayag ng Department of Foreign Affairs.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *