Pinoy film director, guest sa Tokyo International Film Festival
Panauhin sa 34th Tokyo International Film Festival (TIFF), na isa sa top tier film festivals sa Asya at sa buong mundo, ang Filipino filmmaker na si Elvert Bañares.
Si Bañares ay isa sa tatlong panauhing Pinoy na dadalo sa Conference for Southeast Asian and Japanese Festival Organizers and Film Programmers, na inorganisa ng TIFF at ng The Japan Foundation Asia Center na may online access sa TIFFCOM Screenings, Asia Lounge at TIFF Talk Salon.
Ang iba pang panauhin mula sa Pilipinas ay ang kasalukuyang Festival Director ng Pelikultura na si Catherine Gonzales at Pelikultura Founding Festival Director na si Katrina Tan.
Founder ng CineKasimanwa at co-founder ng Western Visayas Film Grants Program, si Bañares ay napili na i-program ang pandemic editions ng 13th Cinema Rehiyon, Alon Para sa Pelikula at Bakunawa Young Cinema.
Ipiprisinta niya sa TIFF ang practices at challenges ng film-related activities sa gitna ng pandemya.
Bilang pangunahing may-akda ng Educational Programs and Study Guides ng Sine Halaga Film Festival kung saan siya rin ang Festival Director, ipiprisinta ni Bañares ang mga ginamit na estratehiya upang maabot ang mas malawak na audience, at ang curatorial approach sa online festivals na kaniyang binuo at ang response ng audience at film critics dito.
Ilan sa ibabahagi niya sa 34th TIFF ay ang mga natapos niyang film projects kabilang ang 4 na short films na nagwagi ng 7 International film awards at napili sa higit 20 international film festivals sa 5 kontinente.
Ngayong taon, Ipagpapatuloy ng TIFF ang mga seksyon sa Japanese Classics, Nippon Cinema Now at Japanese Animation.
Magiging pokus ng Japanese Classics section ang mga pelikulang likha ni Tanaka Kinuyo kabilang ang Forever A Woman, The Wandering Princess, The Moon Has Risen at The Family Game.
Ang mga nasa ilalim naman ng animation section ay ang Masked Rider series, Goodbye DonGless ni Ishizuka Atsuko, Inu-Oh ni Yussa Masaaki at marami pang iba.
Sa ilalim ng Nippom Cinema Now ay ang Intimate Stranger ni Nakamura Mayu, Riversode Mukolitta ni Ogigami Naoko, Spaghetti Code Love ni Maruyama Takeshi at Nagisa ni Kogahara Takeshi.
Samantala, tatlong iba pang Filipino filmmakers ang nakabilang sa Filipino films na naka-program sa TIFF ngayong taon. Dalawa sa kasali sa kompetisyon ay ang Arisaka ni Mikhail Reid at Payback ni Brillanye Mendoza.
Sa iba pang programs, ang The Broker ni Daniel Palacio ay ipalalabas sa Asia Future section.
Magbubukas ang TIFF sa pamamagitan ng Cry Macho ni Clint Eastwood at magsasara sa Dear Evan Hansen ni Stephen Chbosky.
Ang 34th Tokyo International Film Festival ay gaganapin mula October 31 hanggang November 7, 2021.