Pinsala ng bagyong vicky sa imprastraktura umabot sa mahigit 100 milyon
Umabot sa 110.4 milyong piso ang naitalang pinsala sa imprastraktura ng bagyong Vicky.
Sa datos ng Department of Public Works and Highways, pinakamalaking pinsala ay naitala sa Region 8 o sa Eastern Visayas.
Habang sa Bicol Regiin naman ay umabot sa 5 milyon ang naitalang halaga ng pinsala sa imprastraktura dahil sa bagyo.
Kaugnay nito, may 14 na national road sections sa Luzon at Visayas ang sarado pansamantala at hindi madaanan dahil sa epekto ng bagyong Vicky.
Ayon sa DPWH, sa Ifugao Province ay sarado parin ang Kiangan-Tinoc-Buguias Road sa Binablayan sa bayan ng Tinoc Town; at Banaue-Mayoyao-A. Lista-Isabela Boundary Road sa Barangay Mongol sa Mayoyao dahil sa nagcollapse na lupa at landslide.
Sa Region 2, naman ay sarado rin ang Cagayan Apayao Road, Itawes Bridge sa Tuao, Cagayan; Cagayan Valley Road, Divisoria Bridge, sa Namabalan Sur, Tuguegrao City; Cabagan-Sta. Maria Overflow Bridge, sa Cabagan Sta. Maria; at San Pedro Overflow bridge sa NRJ-Villa Sur-San Pedro-Cabuaan-Ysmael- Disimungal Road sa Maddela, Quirino.
Sa Region 3 naman ay sarado rin ang Nueva Ecija-Aurora Road Camatis Section at Baler-Casiguran Road sa Aurora habang sa Region 5 ay hindi naman madaanan ang Catanduanes Circumferential Road sa Brgy. Sagrada sa Bagamano, Catanduanes; Baras‐Gigmoto‐Viga Road sa Brgy. Ogbong sa Viga, Catanduanes; Junction ng Panganiban‐Sabloyon Road sa Brgy. San Miguel sa Panganiban, Catanduanes.
Sa Region 8 ay sarado rin ang Daang Maharlika, Layog Bridge; Tacloban-Baybay South Road sa Brgy. Liberasion, Mahaplag, Leyte; at boundary ng Silago-Abuyog Road sa Panalian Bridge.
Tiniyak naman ng DPWH ang kanilang tuloy tuloy na clearing operations upang mabuksan sa lalong madaling panahon sa mga motorista ang mga nasabing kalsada.
Madz Moratillo