Pinuno ng German Police Union duda na magiging posible ang border control bago ito ilunsad ngayong Lunes
Kinuwestyon ng pinuno ng Federal Police Union ng Germany ang pagiging posible ng mga bagong plano ng gobyerno sa pagkontrol sa border, banggit ang mga isyu sa staffing at paghahanda dalawang araw bago ang pagsisimula nito sa Lunes.
Sinabi ni Andreas Rosskopf, “The Federal Police are still in the process of gathering personnel until Monday morning.”
Ang mga bagong border controls na epektibo sa loob ng anim na buwan sa loob ng Schengen zone, ay bahagi ng tugon ng Berlin sa tumataas na mga alalahanin sa migrasyon sa gitna ng kamakailang mga marahas na insidente na kinasasangkutan ng asylum seekers, na nagpatindi ng debate sa mga patakaran sa migration policies ng Germany.
Ayon kay Rosskopf, “This is not fully worked out yet and is partly due to the fact that the minister’s announcement came as a surprise.”
Nagbabala siya ng potensyal na long-term strain sa Federal Police, at idinagdag na ang rate sa pagbibitiw ng mga nakababatang pulis ay mataas na, higit sa 25%.
Aniya, “There is a risk that even more officers may no longer view their jobs positively.”
Ang border controls ay bahagi ng plano ng interior ministry upang direktang tanggihan ang higit pang mga migrante sa border, bagama’t nakabinbin pa ang mga detalye sa aspetong ito.
Sa gitna na rin ito ng pagbaba ng asylum applications sa Germany, na bumagsak ng 21.7% sa unang walong buwan ng taon.