Pit Bull village sa Oregon, USA
Sa isang lugar sa Oregon, USA matatagpuan ang sariling village para sa mga Pit Bull dogs.
Ang luvable dog rescue ay hindi gaya ng ibang canine shelter.
Ang 55-acre wooded sanctuary na ito na malapit sa Eugene, Oregon ay kasalukuyang binubuo ng anim na cottages o cabins na magaganda ang dekorasyon, at lahat ng amenities dito ay gaya ng makikita sa karaniwang bahay tulad ng furnitures, lighting fixtures, artworks at television.
Ang luvable dog rescue na kilala rin sa tawag na “Pit Bull Village,” ay tahanan ng nasa 10 pitbulls, kung saan dalawa ang nakatira sa isang cottage o cabin na may magkahiwalay na kwarto.
Kapag wala sa kanilang mga cabin o kalaro ng mga staff sa shelter, ang mga pitbull ay nagha-hike kung saan nakakahalubilo rin nila ang iba pang mga hayop, gaya ng manok, kambing o kabayo.
Ayon sa founder ng pitbull village na si Liesl Wilhardt, bawat cottage ay nagkakahalaga ng 20 to 30,000 dollars..
Samantala, sinimulan na rin ni Wilhardt at ng kaniyang team na mangalap ng pondo, para maglagay ng isang maternity ward para sa nanay at kaniyang mga tuta, sa “Pit Bull palace,” isang mas malaking gusali para sa mga Pit Bulls, na kamakailan lamang binuksan.
===============