Pito ang nasawi sa panibagong insidente ng pamamaril sa California

A San Mateo County sheriff deputy stands guard at the scene of a shooting on highway 92 in Half Moon Bay, California on January 23, 2023. - An Asian farm worker was in custody January 23, 2023 after seven of his colleagues were killed in front of children at sites in California, days after a mass shooter killed 11 people at a Lunar New Year celebration near Los Angeles. The latest bloodshed to hit Asian Americans in California occurred at two farms around Half Moon Bay, a coastal community near San Francisco. (Photo by Susana BATES / AFP)

A San Mateo County sheriff deputy stands guard at the scene of a shooting on highway 92 in Half Moon Bay, California on January 23, 2023. – An Asian farm worker was in custody January 23, 2023 after seven of his colleagues were killed in front of children at sites in California, days after a mass shooter killed 11 people at a Lunar New Year celebration near Los Angeles. The latest bloodshed to hit Asian Americans in California occurred at two farms around Half Moon Bay, a coastal community near San Francisco. (Photo by Susana BATES / AFP)

Isang Asian farm worker ang inaresto ng mga awtoridad, makaraang paslangin ang pito niyang kasamahan sa harap ng mga bata sa California, ilang araw makaraan ang nangyaring mass shooting malapit sa Los Angeles na ikinasawi ng 11 katao.

Ang pinakahuling insidente ng pamamaril sa Asian Americans sa California, ay nangyari sa dalawang farm sa paligid ng Half Moon Bay, isang coastal community malapit sa San Francisco.

Sinabi ni San Mateo County Sheriff Christina Corpus, na pito katao ang nasawi at isa ang nasaktan sa twin shootings, at isang 67-anyos na residente ng Half Moon Bay na nakilalang si Chunli Zhao ang nasa kustodiya na ng mga awtoridad.

Nang mangyari ang trahedya, ay iniimbestigahan pa rin ng mga detective sa southern part ng estado kung ano ang nagtulak sa isang matandang Asian immigrant para barilin at mapatay ang 11 kataong nagtitipon para sa selebrasyon ng Lunar New Year sa isang dance hall, bago siya nagpakamatay.

Ang dalawang suspek ay kapwa gumamit ng semiautomatic handguns sa kanilang pamamaril, at kapwa tila may kaugnayan sa ilan sa kanilang mga biktima.

Sinabi ni Corpus na dalawang deputies ang idineploy sa dalawang nurseries sa paligid ng Half Moon Bay, isang rural spot sa timog ng San Francisco.

Apat katao ang nakitang patay sa isa sa nabanggit na lugar, at isa ang malubhang sugatan.

Aniya, “Shortly thereafter three additional victims were also located deceased with gunshot wounds at a separate shooting scene. There’s people that live at the location as well… it was in the afternoon when kids were out of school and for children to witnesses it is unspeakable.”

Sinabi ni Corpus na si Zhou ay nagmaneho patungo sa isang substation ng sheriff sa Half Moon Bay, kung saan nakunan ng isang TV crew ang footage ng pag-aresto sa kaniya ng mga armadong opisyal.

Ayon pa sa opisyal, “Zhao was taken into custody without incident and a semi-automatic handgun was located in his vehicle.”

Batay sa mga ulat, ang mga nasawi ay pawang Chinese farmworkers, at si Zhao ay nagtatrabaho sa isa sa mga farm.

Ang balita tungkol sa pangalawang mass shooting sa California sa loob ng wala pang 48 oras, pagkatapos ng naunang mass shootings sa Monterey Park na ilang daang milya lamang ang layo, ay ikinabigla ng buong estado na mayroon nang ilang mahigpit na firearms law.

Tinawag naman ni Governor Gavin Newsom ang panibagong insidente ng pamamaril na isa pang “trahedya.”

Ayon sa kaniyang tweet, “At the hospital meeting with victims of a mass shooting when I get pulled away to be briefed about another shooting. This time in Half Moon Bay. Tragedy upon tragedy.”

Ang nangyaring mass shooting sa Monterey park ang pinakamalala sa Estados Unidos, mula nang mangyari ang pamamaril ng isang teenager na lalaki sa isang elementary school sa Uvalde, Texas noong Mayo ng nakalipas na taon na ikinamatay ng 21 katao, na ang dalawa ay bata.


© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *