Pito ang patay sa mga pagbaha at pagguho ng lupa sa eastern Venezuela
Pito katao ang nasawi bunsod ng mga pagbaha at pagguho ng lupa, sa coastal state ng Anzoategui sa eastern Venezuela.
Sinabi ni state governor Luis Marcano, na anim na bangkay ang natagpuan sa siyudad ng Puerto La Cruz, habang ang bangkay naman ng isang bata ay nakita sa kalapit na bayan ng Guanta.
Halos 80 katao na ang nasawi sa Venezuela nitong nakalipas na mga linggo bunsod ng malakas na mga pag-ulan, kabilang na ang 54 sa nangyaring landslide noong October 8 sa Las Tejerías, sa north-central state ng Aragua, batay na rin sa opisyal na mga ulat.
Libu-libo namang rescue workers, volunteers at security officals ang idineploy sa Anzoategui.
© Agence France-Presse