Pito nawawala matapos tumaob ang isang bangka sa pinagtatalunang isla sa Japan
Sinabi ng Japanese coastguard, na hinahanap nito ang pito kataong nawawala matapos tumaob ang kanilang bangka at maispatan sa katubigang sakop ng Sensaku islets na kontrolado ng Tokyo, na inaangkin din ng China.
Ayon sa tagapagsalita ng coastguard na si Keisuke Nakao, ang tumaob na bangka ay nakita noong Linggo ng hapon ng Japanese navy patrol, na inaanod sa tubig sa hilaga ng mga isla. Ang crew nito ay kinabibilangan ng isang Taiwanese at anim na Indonesians.
Aniya, “We have been searching the area with patrol ships and helicopters since receiving the information at around 1:30 pm (0430 GMT) Sunday from the Maritime Self-Defense Force.”
Sinabi rin ni Nakao, na nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad ng Japan sa kanilang counterparts sa Taiwan na umaangkin din sa mga islet ng Senkaku. Ang teritoryo na walang nakatira ay tinatawag naman ng Beijing na Diaoyu Islands.
Kinumpirma ng foreign ministry ng Taiwan sa isang pahayag, na ang barko ay isang fishing boat na rehistrado sa Taiwan, at pinaghihinalaang tumaob malapit sa isa sa Senkaku Islands.
Ayon sa kaniyang pahayag, “The National Rescue Command Centre has contacted Taiwanese fishing boats near the site of the accident to assist in the search. Taiwan and Japan’s coastguards have also dispatched ships for search and rescue.”
© Agence France-Presse