Pito patay sa pananalasa ng bagyo sa France at Switzerland
Nag-iwan ng pito kataong patay ang malakas na bagyong nanalasa sa France at Switzerland nitong nagdaang Sabado at Linggo, ayon sa mga lokal na awtoridad.
Tatlo katao na nasa kanila nang 70s at 80s ang namatay sa northeastern Aube ng France noong Sabado, makaraang bagsakan ng puno ang kanilang sasakyan habang bumibiyahe dahil sa napakalakas na hangin.
Ayon sa mga lokal na awtoridad, ang ika-apat na pasahero ay kritikal ang kondisyon.
Sa Switzerland naman ay apat katao ang namatay at isa pa ang nawawala, ayon sa lokal na pulisya.
Tatlo ay namatay dahil sa malakas na ulan na naging sanhi ng isang landslide sa bahaging timog-silangan.
Isang lalaki ang natagpuan ding patay sa isang hotel sa Saas-Grun sa southwest canton ng Valais, na ayon sa pulisya ay malamang na inatake ng nerbiyos dahil sa biglaan at mabilis na pagtaas ng tubig-baha.
Sabi pa ng pulisya, may isa ring lalaki na nawawala sa Valais.
Ayon naman sa civil security services, “Several hundred people were evacuated in Valais and roads closed after the Rhone and its tributaries overflowed in different locations.”
Samantala, inaalam na ng emergency services ang pinakamainam na paraan upang mailikas ang 300 katao na dumating para manood ng football tournament sa Peccia, habang halos 70 iba pa ang inilikas naman mula sa isang holiday camp sa village ng Mogno.
Naging mahirap sa rescue workers ang sitwasyon dahil sa masamang lagay ng panahon, dahil may ibang lugar na hindi nila mapuntahan at marami rin ang nawalan ng suplay ng kuryente.
Sinabi rin ng federal alert system na ilang bahagi ng village ang walang inuming tubig.
Tinamaan din ng malakas na mga pag-ulan ang southeastern Switzerland nitong nakalipas na Sabado at Linggo, kung saan isa ang namatay at nag-iwan ng malubhang pinsala.