Pitong milyong pisong halaga ng Solar Power Irrigation project, ipinagkaloob sa mga magsasaka sa Oriental Mindoro
Sa pamamagitan ng ginawang turn over ceremony, ipinagkaloob ng Department of Agriculture-MIMAROPA sa Farmers Association sa Barangay Macatoc, Victoria Oriental Mindoro ang pitong milyong pisong halaga ng Solar Power Irrigation project (SPIS).
Ang Solar Power Irrigation system ay ang paggamit ng enerhiya mula sa sikat ng araw.
Itinuturing ito na renewable source of energy.
Ayon sa DA-Mimaropa, sa ganitong paraan, hindi na kailangan pang bumili ng mga magsasaka ng gasolina para sa Pump na de motor na karaniwan nilang ginagamit sa pagsasaka.
Sa panig naman ng mga beneficiaries, sinabi nila na makatitipid ang bawat isang magsasaka ng 60,000 piso sa paggamit ng nabanggit na Solar Power Irrigation system sa kanilang pagsasaka.
Ang matitipid nila ay maidadagdag naman sa araw araw na gastusin ng kanilang pamilya.
Belle Surara