Plano nyo bang bumisita sa Dolomite beach? Ito ang dapat nyong malaman
Sa muling pagbubukas ngayong araw ng Martes ng artificial white sand beach sa kahabaan ng Roxas Boulevard, pinapayuhan ang mga nais na bumisita rito na magpag-book muna online.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), simula sa December 28-29 at January 4, ay magsisimula nang muling tumanggap ng mga bisita ang Manila Bay Dolomite Beach.
Ang mga nagpaplanong bisitahin ang man-made white sand beach ay kailangan munang mag-register online, sa pamamagitan ng Dolomite Beach Appointment System (DBAS), isang araw bago ang planong pagpunta sa lugar. Ang DBAS ay binuo para maiwasan ang overcrowding sa beach area.
Ang DBAS ay nagpo-proseso lamang ng “one appointment at a time.”
Maximum na 300 visitors per batch ang papayagang pumasok sa beach area sa itinakdang oras o time slot.
Pinapayuhan din ang mga bisita na sundin ang mga sumusunod:
- Dalhin ang vaccination card
- Isuot ng tama ang face mask sa lahat ng pagkakataon
- Sundin ang physical distance
- Huwag magdala ng pagkain at inumin sa loob ng beach area
- Huwag magdala ng mga alagang hayop
- Bawal mag-swimming
- Bawal ang paninigarilyo o vaping
- Bawal magkalat
- Hindi pinapayagang pumasok sa beach area ang mga batang onse anyos pababa
Narito naman ang mga available na time slot:
- 6:30 a.m. to 7:30 a.m.
- 8 a.m. to 9 a.m.
- 9:30 a.m. to 10:30 a.m.
- 11 a.m. to 12 nn
- 1:30 p.m. to 2:30 p.m.
- 3 p.m. to 4 p.m.
- 4:30 p.m. to 5:30 p.m.