Planong bayaran ang mga biktima ng sapilitang paggawa noong panahon ng digmaan sa Japan, inanunsyo ng Seoul
Inanusyo ng South Korea ang plano nitong bayaran ang mga biktima ng sapilitang paggawa sa panahon ng digmaan sa Japan, ngunit walang direktang Japanese involvement, habang ang Seoul ay nagnanais ng mas malapit na relasyon sa Tokyo upang kontrahin ang Pyongyang.
Ang South Korea at Japan ay parehong pangunahing regional security allies ng Estados Unidos, ngunit ang bilateral na relasyon ay matagal nang nagkaroon ng tensyon dahil sa brutal na colonial rule ng Tokyo sa Korean peninsula noong 1910-45.
Ayon sa data mula sa Seoul, humigit-kumulang 780,000 Koreans ang pinuwersa ng Japan para sa sapilitang paggawa sa panahon ng 35-taon nilang pananakop, hindi pa kabilang ang mga babaeng sapilitang dumanas ng sexual slavery sa kamay ng Japanese troops.
Binalangkas ni Foreign Minister Park Jin ang mga plano para sa isang South Korean foundation upang mabayaran ang mga biktima at kanilang mga pamilya at sinabing, “I hope Japan will positively respond to our major decision today with Japanese companies’ voluntary contributions and a comprehensive apology.”
Una nang iniulat ng Japanese media na ang mga kumpanya sa Japan ay maaaring boluntaryong magbigay ng mga donasyon, habang ang Tokyo ay inaasahang magpapahayag ng pagsisisi sa isyu ng forced labor, tulad ng ginawa nito sa nakaraan.
Ang bagong plano ng gobyerno ng Seoul ay gagamit ng isang local foundation upang tumanggap ng mga donasyon mula sa mga pangunahing kumpanya sa South Korea – na nakinabang mula sa 1965 reparations package mula sa Japan – upang mabayaran ang mga biktima.
Sinabi ni Park na ang naturang landmark deal ay susi sa pagpapabuti ng ugnayan sa pagitan ng Tokyo at Seoul.
Ayon kay Park, “Cooperation between Korea and Japan is very important in all areas of diplomacy, economy, and security amid the current grave international situation and complex global crisis. I believe that the vicious circle should be broken for the sake of the people at the national interest level, rather than leaving the strained relationship unattended for a long time.”
Ang hakbang upang lutasin ang isyu sa sapilitang paggawa ay kasunod ng mga taon nang hindi pagkakaunawaan sa World War II sex slaves, sanhi upang pumangit ang ugnayan ng Japan at South Korea.
Ang Seoul at Tokyo ay nagkaroon ng isang kasunduan noong 2015 na naglalayong “sa wakas” ay lutasin na ang nasabing isyu, na may paghingi ng tawad mula sa Japan at pagbuo ng 1 bilyong yen na pondo para sa mga survivor.
Subalit kalaunan ay nag-back out ang South Korea mula sa kasunduan at epektibo iyong pinawalang bisa, banggit ang kakulangan ng pahintulot ng mga biktima.
Ang hakbang ay humantong sa isang mapait na diplomatikong pagtatalo, na lumawig pa at nakaapekto sa relasyong pangkalakalan at pangseguridad.
Sinabi pa ni Park, “The move to resolve lingering wartime disputes offered a window of opportunity for a new history for both Korea and Japan, going beyond antagonism and conflict and moving toward the future. If we compare it to a glass of water, I think that the glass is more than half full. And I think the glass will be filled up further depending on Japan’s sincere response which will follow.”
Aniya, ang plano ay suportado ng marami sa pamilya ng mga biktima, at sinabing lubusan nilang bibigyan ng update ang lahat ng apektadong mga biktima, at kakapulungin ang mga ito ng isa-isa, kokonsultahin sila at taos sa pusong hihingin ang kanilang pang-unawa.
Ngunit ang plano ay malakas nang tinutulan ng mga grupo ng biktima, na nagnanais ng kabayarang salapi at direktang paghingi ng tawad mula sa mga sangkot na Japanese companies.
Naipanalo na ang mga kaso sa mismong isyu na ito noong 2018, nang utusan ng Korte Suprema ng Seoul ang ilang kumpanya ng Japan na magbayad ng kompensasyon sa sapilitang paggawa sa panahon ng digmaan.
Sinabi ni Lim Jae-sung, abogado ng ilan sa mga biktima, “It is as if the bonds of the victims of forced labor are being dissolved through South Korean companies’ money. It is a complete victory for Japan, which can’t spare even one yen on the issue of forced labor.”
© Agence France-Presse