Planong Eco zones sa mga lupain ng BuCor, target masimulan
Desidido ang Bureau of Corrections (BuCor) at ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na maging operational ang mga industriya sa Economic zones na itatayo sa mga bakanteng lupain ng BuCor.
Sinabi ni PEZA Director General Tereso Panga na suportado ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan ang planong eco zones.
Kabilang sa mga nagpahayag ng interes si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go at ang Maharlika Investment Corporation.
Tiniyak ng BuCor at PEZA na walang inmates na madi-displace dahil sa paggamit sa mga lupain ng kawanihan dahil sa malawak ang BuCor properties.
Naniniwala rin ang mga opisyal na makatutulong ang eco zones para sa reporma at reintegration sa komunidad ng PDLs.
Suportado naman ng Department of Justice (DOJ) ang pagtatatag ng Eco zones at tiniyak na masusunod ang legal framework at mapuproteksyunan ang interes ng gobyerno at lahat ng partido sa proyekto.
Moira Encina