Plastic pastries, hindi sinasadyang naibenta ng isang Japanese shop
Ang plastic food samples ng Japan ay isang multi-million-dollar industry, ngunit dahil sa ang pekeng egg tarts ng isang pastry shop ay mukha talagang tunay, kayat hindi sinasadya na limang piraso nito ang naipagbili sa customers.
Ang plastic food samples, na kilala sa tawag na “shokuhin sampuru,” ay ginagawa nang napakadetalyado upang hangga’t maaari ay magmukha talagang tunay.
Ang plastic pastries sa Osaka-based Andrew’s Egg Tart ay makukumbinsi ka talagang tunay, kayat kahit ang staff nito ay hindi matukoy kung alin ang peke at alin ang totoo, sanhi para hindi sinasadyang makapagbenta sila ng limang piraso nito sa dalawang customers sa isang pop-up stand malapit sa isang istasyon sa Tottori sa western Japan.
Subalit agad din namang napagtanto ng isang clerk na peke ang kanilang naibigay, makaraang makuha na ng customer ang plastic na egg tart, mabuti na lamang din at naibalik iyon ng mga bumiling customer sa stand bago pa nila nakagat.
Humingi naman ng paumanhin ang isang company representative sa mga customer na napagbilhan ng pekeng egg tarts.
Dahil dito, ay gagamit na ng stickers ang tindahan upang makilala ang tunay at ang plastic desserts para maiwasan nang maulit ang nangyari.
© Agence France-Presse