Plebesito para hatiin ang Brgy. Muzon , matagumpay ayon sa Comelec
Naging matagumpay ang ginawang plebisito para hatiin sa 4 ang barangay Muzon sa San Jose del Monte City, Bulacan.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), sa 43,771 rehistradong botante sa nasabing barangay, nasa 13,322 ang bumoto pabor sa paghati rito sa apat habang 969 lang ang bumoto ng hindi pabor.
Ikinatuwa naman ito nina San Jose del Monte City Congresswoman Florida Robes at San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes dahil nangangahulugan ito na matitiyak na lahat ng residente ay maseserbisyuhan.
Ang Barangay Muzon kasi ay may populasyon na 127,506.
Ayon kay Mayor Robes, mas mapagtutuunan na ng mga opisyal ng barangay kung mas maliit ang kanilang nasasakupan.
Sinabi naman ni Cngresswoman Robes ,maituturing itong isang hakbang tungo sa kaunlaran pagdating sa pagbibigay ng basic services sa mga residente.
Tiniyak rin ng Kongresista na maaabot ng kanyang mga programa ang mga bagong barangay na ito gaya ng livelihood programs at pagpapabuti sa mental health ng mga kabataan.
Madelyn Villar – Moratillo