Plebisito sa paglikha ng 3 bagong bayan sa BARMM sa September 7 at 21, ipinahinto ng SC
Inatasan ng Korte Suprema ang Commission on Elections (Comelec) na itigil ang plebisito para sa paglikha ng tatlong bagong bayan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, ito’y matapos na ideklara ng SC na labag sa Saligang Batas ang Section 5 sa Bangsamoro Autonomy Act Nos. 53, 54 at 55.
Alinsunod aniya sa nasabing probisyon, ang mga kuwalipikadong botante lang sa mga barangay sa mga bagong munisipalidad ang boboto sa plebisito.
Sinabi ni Ting na sa ruling ng Korte Suprema, ang mga kuwalipikadong botante sa mga bago at pinanggalingan munisipalidad ang dapat kasama sa plebisito.
” Ang isyu po rito kung sino included sa ratification under the law when you create a new municipality kailangang i-ratifty ng voters in a plebiscite in affected areas…pero ang sabi ng Supreme Court di lang dapat sa new municipalities dapat din yung voters sa mother municipality since sila rin maaapektuhan sa creation ng bagong municipalities” ani Atty. Ting.
Moira Encina-Cruz