Plenary deliberations ng 2023 proposed National budget tatapusin ng Kamara ngayong linggo
Ngayong buong linggo ay ibubuhos ng Mababang Kapulungan ang buong panahon nito sa pagtalakay sa panukalang 2023 National budget na nagkakahalaga ng 5.268 Trillion pesos.
Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe wala na munang ibang panukalang batas na bibigyan ng oras ng kamara hanggang hindi naipapasa ang 2023 budget.
Sinabi ni Dalipe tatapusin ng kamara ang plenary deliberations sa proposed national budget hanggang September 28 upang makamit ang target na pag-apruba sa third and final reading sa September 30.
Sa ngayon ay aprubado na sa plenaryo ng Kamara ang panukalang pondo ng 76 percent ng mga tanggapan ng gobyerno, kabilang dito ang 54 na mga departamento at mga attached agencies nito, kasama na rin ang constitutional bodies.
14 na ahensya na lamang ang nakatakdang isalang sa plenary deliberations ngayong linggo.
Vic Somintac