PNP at HPG, mahigpit na nagpapatupad ng checkpoints sa Las Piñas City
Patuloy na nagpapatupad ng mahigpit na checkpoint ang mga kagawad ng pulisya at Highway Patrol Group (HPG), papasok sa Lungsod ng Las Piñas.
Bunsod na rin ito ng ipinatutupad na Enhance Community Quarantine (ECQ) sa buong NCR na nagsimula noong Agosto sais.
Ang bawat motoristang dumaraan sa bahagi ng Zapote na public at private vehicles man, mga naka motor at bisikleta ay kanilang hinahanapan ng valid ID, kaukulang dokumento at papeles.
Ito ay upang matiyak na sila nga ay mga APOR o Authorize Person Outside Residence, at kung walang maipakita ay kanila itong pinababalik at hindi pinadadaan sa kanilang checkpoint area.
Ang Zapote ay isa sa mga main point na inilatag ng PNP Las Piñas.
Ayon kay Pol. Lt. Dennis Frivaldo, team leader ng Zapote Police Station, naging maayos naman ang kanilang pagpapatupad ng mga ordinansa ng lungsod partikular na sa isinasagawa nilang checkpoint at curfew hours.
Samantala, nakaantabay din sa lugar ang mga kagawad ng Bureau of Fire Protection o BFP ng Las Piñas, upang madaling maka responde sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang insidente sa lungsod.
George Gonzaga