PNP Chief dela Rosa tinawag na batugan ni Sen. Gordon
Tinawag na batugan ni Senador Richard Gordon si PNP Chief Ronald dela Rosa dahil sa kabiguang resolbahin ang mga kaso ng pagpatay na kinasasangkutan ng riding in tandem.
Ayon kay Gordon, Chairman ng Senate Committee on Justice, mayorya sa mga kaso ng napapatay ay kagagawan ng riding in tandem pero kahit isa ay walang naaresto ang PNP.
Nakapagtataka aniya na wala ni isang nahuhuli ang PNP sa mga riding in tandem gayong ayon sa PNP tuloy ang kanilang imbestigasyon.
Kasabay nito, kinakalampag ni Gordon ang mga kasamahan sa Senado na ipasa na ang panukalang Motorcycle Crime Prevention Bill.
Sa panukala, papatawan ng parusang bitay ang sinumang nakamotorsiklo o backrider na nasangkot sa kaso ng pagpatay.
Ulat ni: Mean Corvera