PNP Chief Eleazar, kinilala ang NPD sa pagkakadakip sa isang Big-time gun runner
Mababawasan na ang pagkalat ng mga iligal na armas o loose firearms at mga insidente ng gun-related violence sa Metro Manila, Calabarzon at mga kalapit na lalawigan.
Ito ang naging pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar kasunod ng pagkakadakip s aisa umanong big-time gun runner.
Nakilala ang suspect na si John Christian Bautista, 33-anyos at residente ng Barangay Bucandala IV, Imus, Cavite na nagbebenta umano ng mga iligal na armas sa pamamagitan ng internet o online.
Naaresto si Bautista matapos may magsumbong sa NPD District Special Operations Unit (DSOU) na isang concerned citizen na may on-going transaction ng mga loose firearms sa Facebook.
Napatunayang nagbebenta ng mga iligal na armas ang suspect matapos makipag-deal ang mga undercover na pulis sa suspect sa isang gas station sa Pasay city.
Sari-saring mga armas ang nakumpiska kay Bautista sa residente nito sa Cavite kabilang dito ang:
Thompson submachine gun cal .45 M1 SN 175291 with one magazine
- MGV 176 Cal .22 LR SN 3037
- STI 9mm with SN# KF 11205
- Cobra Special Cal .38-no serial no.
- Cal .40 Smith and Wesson with SN NEH 8367
- CAL .45 COLT 38720
Boluntaryo ring sumuko sa mga pulis ang asawa ni Bautista sa isinagawang follow-up operation sa Cavite.