PNP Chief Gen Benjamin Acorda Jr nag-inspeksyon sa command post ng MPD sa Mendiola, Maynila

Binisita ni PNP Chief Gen Benjamin Acorda Jr. ang hanay ng mga tauhan ng Manila Police District sa Mendiola, Maynila.

Sinalubong siya ng mga opisyal ng MPD sa pangunguna ni MPD Director Police Brigadier General Andre Dizon.

Inihayag ni Dizon sa hepe ang mga paghahanda ng MPD kaugnay sa mga inaasahang kilos protesta kaugnay sa SONA.

Ipinaalala naman ni Acorda sa mga pulis na ipakita nito ang professionalism sa kanilang trabaho

Dapat aniyang ipatupad ang maximum tolerance at matiyak na marirespeto ang karapatan ng mga raliyista.

Satisfied naman si Acorda sa kahandaan ng MPD at ng buong PNP.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *