PNP Chief Oscar Albayalde, itinangging may isinumite sa kanyang intelligence report si dismiss Col.Eduardo Acierto
Walang natanggap na report si PNP Chief Oscar Albayalde mula kay dismiss Col.Eduardo Acierto ukol sa umanoy kaugnayan ni Presidential Economic Adviser Michael Yang at ng isang Allan Lim sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.
Yan ang nilinaw ni Albayalde sa harap ng alegasyon ni Acierto na binalewala ng PNP at ni Pangulong Duterte ang report dahil malapit sa kanya si Yang.
“Since i assumed Office as Chief PNP on April 2018, I do not remember having received any copy of an alleged report that identified presidential adviser Michael Yang as being involved in drug activities.”
Kung may isinumite na report sa kanya si Acierto o kay Retired PNP Chief Ronald Bato dela Rosa, tiyak na dadaan ito sa validation ng directorate for intelligence.
Kinwestyon din ni Albayalde si Acierto na dating deputy director for administration ng PNP Drug Enforcement Group, kung bakit hindi sya nagsagawa ng operasyon kung may mga hawak syang matibay na ebidensya laban kay Yang.
“If at all there was actionable intelligence on this report, Acierto should have acted on it and launched operations even without clearance”
Mismong ang hepe umano noon ni Acierto sa PDEG na si Bgen. Albert Ferro ay walang alam sa sinasabing intellegence report ni Acierto.
Wala rin aniya sa kanilang drugwatchlist ang pangalan ni Yang at Lim.
Kaya giit ni Albayalde, kung totoo ang impormasyon na ito, bakit hindi nya ito iprinisinta noon sa pagdinig ng senado
Nakakagulat din aniya ang timing ng biglang paglutang ni Acierto, matapos nitong magtago makaraang madawit sa bilyong pisong halaga ng shabu na ipinuslit sa Bureau of Customs.
“Timing its election time, former chief running for senate hindi natin alam..hindi masama timing taking advantage Col. Acierto”
“My advise for him is to “man-up” and face the charges squarely rather than shoot from the hip with indiscriminate accusations”
Gayunman nakahanda pa rin ang PNP na imbestigahan ang mga alegasyon ni Acierto laban kay Michael Yang at kay Allan Lim.
Handa rin silang bigayan ng seguridad ang dating opisyal sa harap ng umanoy mga natatanggap nyang banta sa buhay.
Ulat ni Mar Gabriel