PNP inalisan ni Pangulong Duterte ng kapangyarihan sa Anti illegal drug campaign
Tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Polce o PNP at sa iba pang tanggapan ng pamahalaan ang kapangyarihan na magsagawa ng anti-illegal drug operations sa buong bansa.
Batay sa memorandum na nilagdaan ni Pangulong Duterte alinsunod sa Republic Act Number 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act iniuutos ng Pangulo sa PNP, Armed Forces of the Philippines, National Bureau of investigation, Bureau of Customs, Philippine Postal Office at iba pang anti-drug taskforce na ipaubaya sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang lahat ng anti-drug operations.
Iniutos din ng Pangulo sa lahat ng mga nabanggit na tanggapan ng pamahalaan na ilipat na rin sa PDEA ang lahat ng impormasyon at datos na may kaugnayan sa iligal na droga.
Ulat ni Vic Somintac