PNP kinastigo ni Sen. Grace Poe sa paninisi sa Media sa maling pag- uulat ng EJK
Kinastigo ni Senadora Grace Poe ang Philippine National Police matapos na namang isisi sa media ang umanoy maling report sa mga kaso ng extra judicial killings.
Nauna nang naglabas ng datos si PNP Chief Director General Ronaldo bato dela Rosa at iginiit na umaabot lang sa mahigit isanlibo at tatlong daan sa mga napatay ang maituturing na drug related cases taliwas sa mahigit pitong libo na umanoy iniuulat ng media.
Pero ayon kay Poe, hindi ang datos o maling report ang dapat tignan ng PNP.
Hindi aniya dapat mailihis ang isyu dahil ang usapin pa rin sa
pagbibigay ng katarungan para sa mga namatayan ang mahalaga.
Hindi aniya dapat malimutan ng PNP na kasama sa kanilang mandato ang pagbibigay ng proteksyon sa mga sibilyan at hindi dapat payagan ang mga kaso ng karumal-dumal na pagpatay.
Ulat ni: Mean Corvera