PNP, mas pinaigting ang seguridad sa mga transport terminal at matataong lugar
Dinagsa ng mga pasahero ang ibat ibang terminal sa Metro manila para makauwi sa kani-kanilang probinsya ngayong summer vacation.
Sa Araneta Bus teminal,doble ang itinaaas na bilang ng mga pasahero ngayon araw.
Mula sa 1,000 pasahero na daily average pumalo sa dalawang libong pasahero ang dumagsa sa terminal.
Maya’t maya naman ang isinasagawang inspeksyon ng mga tauhan ng LTO at LTFRB para tiyakin ang road worthiness ng mga bus at kondisyon ng mga driver.
Mas pinaigting na rin ng PNP ang seguridad sa mga transport terminal, mga pasyalan at iba pang matataong lugar bilang bahagi ng oplan sumvac o summer vacation.
Layon ng PNP na matiyak ang kaligtasan ng mga bakasyunista mula sa anumang sakuna, krimen at muling pagkalat ng nakamamatay na COVID-19.
Kaya mahigpit din na ipinatutupad ang mga health protocol gaya ng pagsusuot ng facemask.
Naglagay na rin sila ng tourist police assistance desk na maaring maging takbuhan at sumbungan ng mga turista.
Katuwang din nila sa pagbabantay ang mga tauhan ang AFP.
Sa ngayon nakapagtala na ang PNP ng 11 insidente sa buong bansa kung saan 9 dito ay pawang mga kaso ng pagkalunod at 2 ang vehicular accident.