PNP, pinagpapaliwanag ng mga Senador sa pagbisita sa bahay ng mga taga media
Kahit ipinatigil na, pinagpapaliwanag pa rin ng mga Senador ang Philippine National Police o PNP sa ginawang pagba bahay bahay sa mga taga media para tukuyin umano kung mayroon silang death threat.
Ayon kay Senador Jinggoy Estrada isa na rito bakit hindi sila naka uniporme.
Wala rin aniyang koordinasyon sa mga lokal na opisyal at sa media company o organization na kinabibilangan ng isang mamahayag.
Palaisipan rin kay Estrada paano nakuha ng mga pulis ang address ng bahay ng mga mamamahayag.
SiNabi ni Senador Sherwin Gatchalian bagamat maganda ang intensyon ng pnp mahalaga na dapat nagkaroon muna ng coordination.
Para kay Senador Risa Hontiveros dapat mag public apology ang pnp dahil ang kanilang hakbang ay nagdulot na ng chilling effect.
Hindi aniya masisisi ang mga taga media kung natakot sa hakbang ng pnp matapos ang kaso ng pamamaslang kay percy lapid.
Meanne Corvera