PNP Station sa CAMANAVA sorpresang ininspeksyon ng NCRPO Chief

Sorpresang inikot ni NCRPO Chief Brig. Gen. Vicente Danao, ang bawat police stations sa CAMANAVA gamit ang motorsiklo.

Unang ininspeksyon nito ang Caloocan police headquarters kung saan iprinisinta na rin ni Pol. Col. Samuel Mina, Jr. ang nahuling drug suspek.

Matapos nito ay nagtungo naman siya kasama ang convoy sa Navotas headquarters.

Layon ng inspekayon na makita kung mahigpit na ipinatitupad ng mga kagawad ng pulisya ang safety protocols sa lahat ng lungsod na kanilang nasasakupan.

Nasaksihan din ng heneral ang pagiging mababait ng mga residente sa CAMANAVA dahil sumusunod ang mga mamamayan lalo na sa ipinatutupad na curfew.

Nakita rin ni Danao ang pagiging alerto at masigasig ng mga miyembro ng PNP sa CAMANAVA abang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin.

Sa kanyang pag-iikot ay inalam din niya kung mahigpit na pinaiiral ng mga pulis ang anti-criminality campaign sa buong CAMANAVA area.

Magdamag na nag-ikot ang hepe ng NCRPO, hanggang sa abutin sila ng umaga.

Ulat ni Mark Leo Pernia

Please follow and like us: