PNP Training Service ipinagdiwang ang kanilang 15th year founding anniversary

Ipinagdiwang ng PNP Training Service Office ang ika 15 taong pagkakatatag ng kanilang tanggapan kahapon November 19. 

Ang tema ng kanilang pagdiriwang sa taong ito ay “Revitilizing PNP Core Competencies Through Seamless Multi-Dimensional Learning”

Pinangunahan ito ni PNP Director for Training Services na si Police Brigider General Bernard Banac. 

Sa isang video presentation, ipinakita ang mga naging tagumpay at pag unlad ng training service sa mga nakalipas na taon.

Naging panauhing pandangal naman ng PNP Training Service sa kanilang pagdiriwang si PNP Chief Debold Sinas. 

Sa Talumapati ni General Debold Sinas, sinabi nitong lahat ng mga PNP personnel na sasailalim sa mga pagsasanay ay kinakailangang dumaan na mga pagsusuri at sa drug test para maipagpatuloy pa rin ang kampanya ng PNP ukol sa internal Cleansing sa kanilang hanay. 

Binalikan din nito ang mga naging tagumpay at accomplishment ng Training Service ng PNP sa mga nakalipas na panahon.  

Umaasa naman ang hepe ng pambansang pulisya na lalo pang magtatagumpay ang mga progarama at proyekto ng PNP Training Service sa ilalim ng pamumuno ngayon ni dating PNP Spokesperson P/Brig./Gen. Bernard Banac.

Isa naman sa mga naging highlight ng kanilang pagdiriwang ay ang MOA signing para sa Adopt a class room project ng Philippine National Police.

Jet Hilario

Please follow and like us: