PNP, tutulong sa Comelec sa mock elections

(File ohoto) pna gov.ph

Tutulungan ng Phil. National Police (PNP) ang Commission on Elections (Comelec) sa pagsasagawa ng mock polls sa December 29, upang obserbahan ang aktuwal na daloy ng proseso para sa May 2022 elections.

Sinabi ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na ang aktibidad ay makatutulong upang madetermina nila at ma-evaluate ang strategic plan para sa deployment ng kanilang mga tauhan.

Ayon kay Carlos . . . “We will be waiting for the official advisory from the Comelec regarding the planned mock elections. But definitely, the PNP is willing to extend assistance for this activity.”

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ang mga tauhan ng pulisya ay hindi pinapayagan sa loob ng iba’t-ibang voting precints, subali’t itinatalaga para magmantini ng kapayapaan at kaayusan sa bisinidad.

Ang PNP rin ang mag-aasikaso para bantayan ang transportasyon ng mga balota at iba pang election paraphernalia.

Ang mock elections, na gaganapin sa iba’t-ibang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao ay magiging isang “end-to-end” demonstration ng buong proseso.

Please follow and like us: