POGO , nagagamit na raw sa hacking at surveillance activities
Nababahala ang mga Senador sa natanggap na report na ginagamit na ang mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa Surveillance at Hacking Activities.
Sa hearing ng Senate Committee on Women and Children nakatanggap ng report ang Senado na ginagamit umano bilang surveillance operations ng mga Chinese ang sinalakay na POGO Complex ng Zun Yuan Technology sa Baufo Compound sa Bamban, Tarlac.
Katunayan ay natunton umano sa Baufo Compound ang nangyaring Hacking ng ilang mga Gov’t. Website.
Dahil hindi lang Scamming ang ginagawa ng mga POGO kundi pati Surveillance at hacking.
Mapatutunayan umano ito sa mga kakaibang equipment na ipinasok sa bansa.
Meanne Corvera