Police Provincial Director ng Cebu, Sinibak
Sinibak sa pwesto ang Provincial Director ng Cebu Police Provincial Office na si Police Colonel Engelbert Soriano.
Magugunitang tinawag na sipsip at namumulitika ni PNP officer in charge Police Lieutenant General Vicente Danao si Soriano matapos nitong sabihin na susuportahan niya at ipatutupad ang Executive order ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ukol sa optional na pagsusuot ng facemask na taliwas sa kautusan na ibinaba ng DILG.
Pero ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, ang pagrelieved kay Soriano ay base sa PNP Memorandum Circular 2022-002, kung saan nakasaad na ang mga Provincial Director at mga Chief of Police sa NCRPO ay maari lang manatili sa pwesto ng hanggang isang taon na maaring maextend ng tatlong buwan kung may approval ng PNP Chief.
Si Soriano ay mahigit nang isang taon sa kanyang pwesto sa Cebu PPO.
Itinalaga naman ng PNP si Police Colonel Elmer Lim bilang Officer in charge ng Cebu PPO kapalit ni Soriano.