Policy of appeasement and accomodation ng gobyerno sa China, ipinarerepaso dahil sa kakarampot na investment sa Pilipinas
Nais ng oposisyon na iparepaso ang Policy of appeasement at accomodation sa China sa harap ng tumitinding militarization at pang aabuso ng ilang Chinese coastguard sa mga pinoy sa Scarborough shoal.
Katwiran ni Senate minority leader Franklin Drilon, hindi epektibo ang pagiging mabait ng Pilipinas at pakikkpag kaibigan sa China.
Katunayan, sinabi ni Drilon na kung titignan ang records, kakarampot ang economic investment ng China sa Pilipinas.
Inihalimbawa nito ang tourist arrivals ng mga Chinese sa Pilipinas noong 2017 na umabot lang sa 987,000 kumpara sa apat na milyon sa Vietnam na agresibo laban sa China.
Umabot naman sa 21.9 bilyong dolyar ang bilateral trade ng China sa Pilipinas kumpara sa 71.85B dollar ng China at Vietnam.
Iginiit ni Drilon na hindi naman ito nangangahulugan na kailangang makipagbanggaan ang Pilipinas sa China kundi dapat ipaglaban ang mga katapatan kasama na ang kapakanan ng mga mangingisdang Pinoy.
Ulat ni Meanne Corvera