Polisiya sa importasyon ng asukal dapat ayusin

0
Polisiya sa importasyon ng asukal dapat ayusin

Iginiit ni Senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay, na dapat magkaroon ng malinaw na polisiya ang gobyerno sa importasyon ng asukal.

Sa isang pulong balitaan sa Negros, sinabi ni Binay na dapat kung panahon ng anihan ay walang importasyon.

Dalawampung porsyento lang aniya ng sugar supply sa bansa ang imported, habang 80 porsyento naman ay locally sourced.

Malaki aniya ang potensyal na maging major producer ng asukal ang Pilipinas, kung maaayos ang polisiya sa importasyon para mahikayat ang investors na magtayo ng modernong sugar mills.

Makatutulong din aniya ito para mapababa ang presyo ng asukal sa merkado.

Tiniyak naman ni Cong. Toby Tiangco, campaign manager ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas, na kasama sa repormang isusulong ng kanilang Senatorial slate ang modernisasyon sa sugar industry.

Committed aniya sila na siguruhin ang patas na presyo para sa mga magsasaka at palakasin ang produksyon ng asukal sa bansa.

Ang Negros Occidental ang nagpoproduce ng halos kalahati ng sugar supply sa bansa.

Pangako nila na mapanatiling magbibigay ng maraming trabaho at economic growth ang sugar sector sa Negros.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *