Political prisoner sa Venezuela, namatay dahil sa Covid
Isang army general na may kaugnayan kay Hugo Chavez ngunit kalaunan ay tumiwalag sa socialist strongman ng Venezuela, at naging prominenteng political prisoner, ang namatay sanhi ng COVID-19 habang nakakulong.
Ayon kay prosecutor general Tarek Saab . . . “We regret the death of Raul Isaias Baduel from cardiorespiratory arrest as a consequence of Covid-19.”
Sinabi pa ni Saab, na ang 66-anyos na si Baduel ay nakatanggap na ng 1st dose ng bakuna laban sa Covid, at binibigyan din ng angkop na pangangalagang medikal.
Hindi naman naniniwala ang misis ni Baduel na si Cruz Zambrano de Baduel, na dinapuan ito ng Covid at tinukoy na bakunado na ang kaniyang asawa.
Aniya . . . “I have not received a call from any person in the government. We learned of his death via Twitter.
Si Baduel ang defense minister ni Chavez, na tumulong para muli itong makabalik sa puwesto bilang pangulo matapos ang kudeta noong April 2020, na naging sanhi para sandali itong mawala sa kapangyarihan.
Halos 8 taon itong nakulong kaugnay ng kaso ng korapsiyon, at matapos itong palayain noong 2015 ay muling nakulong si Baduel dahil sa kaso ng conspiracy laban kay President Nicolas Maduro.
Ayon kay Gonzalo Himido, abogado para sa human rights NGO na Foro Penal . . . “Baduel’s death means there are now 10 political prisoners who have died in custody.”