Poll watchdog, may paalala sa mga botante kasabay ng nalalapit na halalan
Pinaalalahanan ng isang election watchdog ang mga botante na huwag magpalinlang sa pakulo ng ilang kandidato lalo na at malapit na ang May 2022 presidential elections.
Isa sa tinukoy ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting Secretary General Clifford Sorita ay ang nangyayari sarzuela o romcom sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte, anak na si Mayor Sara at Sen. Bong Go.
Naniniwala si Sorita na ang ipinapakitang pagdistansya ni Mayor Sara sa ama nito sa isyu ng 2022 Presidential election ay isang camouflage lamang para ipakita sa publiko na magkaiba silang mag-ama sa pamamahala.
Naniniwala si Sorita na paraan lang ito para matimpla nila kung aling tandem ang magiging mas katanggap tanggap sa publiko.
Kita naman kasi aniya ang naging kapalpakan ng kasalukuyang administrasyon sa COVID-19 response.
Habang si Mayor Sara ay napulaan din dahil sa pag-iikot sa iba’t ibang lalawigan sa kabila ng mataas na COVID cases sa Davao.
Paala ni Sorita, hindi dapat malinlang ang publiko dahil ang mag-ama ay kabilang sa iisang grupo, ang Davao Group.
Madelyn Moratillo