Pondo ng AFP, kinakapos na dahil sa giyera sa Marawi – Lorenzana
Kinukulang na ang pondo ng Armed Forces of the Philippines o AFP habang papalapit ang pagtatapos ng taon.
Ito ang inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Ayon kay Lorenzana, itoy dahil sa laki na ng nagagastos nila sa giyera sa Marawi na umaabot na ngayon sa 3.5 billion pesos.
Ito aniya ang pinambili ng mga bala, bomba, langis pagkain at gamot ng tropang patuloy na nakikipagsagupa sa teroristang Maute.
Ayon kay Lorenzana, ginalaw na nila ang pondong nakalaan sana sa iba pang proyekto ng AFP para magamit sa Marawi.
Dahil dito humihingi si Lorenzana sa Malacañang ng palit sa pondo na kanilang ginastos sa giyera upang hindi sila masaid.
Tumugon naman agad dito ang Malacañang at sinabi ng Department of Budget and Management na maghahanap ito ng pondo.