Pondo ng Dept. of Agriculture para sa seedling program pinaiimbestigahan na rin sa Senado
Paiimbestigahan na rin ni Sen. Cynthia Villar, Chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food kung saan napunta ang 2.5 billion pesos na pondo para sa seed program ng Dept of Agriculture.
Ayon kay Villar, nakalaan ang pondo para sa pagbili at pamamahagi ng mga punlang pananim para sa bawang at maging sa palay para sa mga magsasaka.
Layon ng seed program ng gobyerno na maging available sa mga magsasaka ang mura at de kalidad na punla.
Ito’y para madagdagan ang produksyon ng bawang at matugunan ang target na maging self-sufficient ang bansa sa bawang at bigas para hindi na kinakailangang umangkat.
Sa ngayon target, ng komite na matukoy ang mga pangalan at address ng mga importer ng bawang na nasa listahan ng Bureau of Plant and Industry para maipatawag at pagpaliwanagin sa Senado.
Ulat ni: Mean Corvera