Pop-up Bike lanes, ilulunsad sa San Juan City

Magkakaroon ng pop-up bike lanes sa lungsod ng San Juan bilang bahagi ng new normal dala ng Covid 19 Pandemic.

Ayon sa San Juan City government, ilulunsad ang phase 1 ng Pop-up bike lane sa June 3 na World bicycle day sa Pinaglabanan Shrine.

Ang Phase 1 ay magsisimula sa N. Domingo hanggang Ortigas Ave. bago ang intersection ng Connecticut.

Madadaanan sa ruta ang mga major facilities at  institutions gaya ng San Juan Medical center, San Juan City Hall, Greenhills shopping center, at malapit sa Cardinal Santos Medical center.

Katuwang ng City government sa nasabing inisyatiba ang grupong Edsa Evolution.

Ayon sa San Juan LGU, nangangailangan ng ligtas na transportation option ang mga tao para pumasok sa trabaho dahil sa limitado pa rin ang mga pampublikong sasakyan  ngayong GCQ.

Napatunayan anila ang kahalagahan ng bisikleta bilang transportasyon sa mga nakalipas na buwan ngayong may pandemya.

Sinabi pa ng City government na bukod sa sustainable, environment-friendly at nagpo-promote ng aktibong lifestyle, maoobserba ang social distancing sa pagbibiskleta.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: