Porac mayor at iba pang lokal na opisyal na nag-apruba sa permit ng Lucky South 99, dumalo sa pagdinig ng DOJ
Humarap sa pagdinig ng Department of Justice (DOJ) si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil at iba pang lokal na opisyal ng Porac, kaugnay sa operasyon ng iligal na POGO sa kanilang munisipalidad.
Sina Capil ay sinampahan ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) at ng Philippine National Police (PNP) sa DOJ ng reklamong katiwalian, dahil sa kuwestiyonableng pag-apruba sa business permit ng POGO firm na Lucky South 99 na sinasabing sangkot sa mga scam at iba pang iligal na aktibidad.
Sa hearing sa DOJ, hiniling ng kampo ni Capil na bigyan sila ng dagdag na panahon para maghain ng kanilang kontra-salaysay.
Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil / Photo: Senate of the Philippines FB
Pinagbigyan naman ng DOJ prosecutors ang mosyon ng alkalde at iba pang kapwa respondents.
Itinakda ang susunod na pagdinig at pagsusumite ng counter -affidavit sa Enero 29.
Ayon kay Capil, “Yes po. Haharapin po namin ito hanggang sa malinis ang pangalan namin. Kami ay naninindigan po na wala kaming hindi ginawang tama kami po ay sumunod po sa proseso ng batas.”
Sinabi naman ni Atty. Sos Sian, legal counsel ni Capil, “The records are voluminous and at the same time the mayor and 6 others respondents we intend to represent are looking for counsel to represent them. Alam naman natin medyo sensitive kaso we wanted a thorough counter affidavit that will be submitted.”
Moira Encina-Cruz